Interesado ang mga negosyante sa Thailand na mamuhunan sa Pilipinas partikular sa larangan ng imprastruktura, transportasyon, turismo at food security.
Ayon kay Kriengkrai Thiennukul, Chairman ng Federation of Thai Industries, handa ang kanilang grupo na sumuporta sa Pilipinas para maging matatag ang relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.
Naging pahayag ito ng grupo sa isang round table conference kung saan magkasama ang mga Thai Business Leaders, Philippine Economic Managers at officials sa Bangkok, Thailand.
Umaasa naman ang pederasyon na magiging matatag ang relasyon ng Thailand at Pilipinas para umunlad ang kaniya-kaniyang ekonomiya sa gitna ng mga epektong dulot ng climate change at COVID-19 pandemic.