Umalma ang mga retailers gayundin ang mga market vendors sa ipinatutupad na price freeze ng pamahalaan.
Kaalinsabay pa rin ito ng pinaiiral na state of national emergency bunsod ng kaliwa’t kanang karahasan sa Mindanao na pinangangambahang kumalat sa buong bansa.
Ayon sa ilang mga retailer at mga nagtitinda sa palengke, dapat malinaw kung hanggang kailan ipatutupad ang state of national emergency upang hindi makaapekto sa kanilang negosyo.
Maliban sa Department of Trade and Industry o DTI, pinag-aaralan na rin ng Department of Agriculture (DA) ang magiging epekto ng price freeze sa mga agricultural products.
By Jaymark Dagala