Nangangamba ang mga negosyanteng Chinese sa bansa na maka apekto sa ekonomiya ang 2019 novel coronavirus (nCoV) kapag nagtagal pa ang krisis na ito.
Ayon kay Dr. Henry Lim Bon Leong, pangulo ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated, tiyak na magdudulot ng negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa ang nCoV kapag nagtagal ito ng higit sa apat na buwan.
Umaasa si Leong na makokontrol at mawawala ang krisis sa nCoV sa susunod na dalawang buwan upang hindi aniya maapektuhan ang ekonomiya lalo na ang sektor ng turismo.
Kumpiyansa si Leong na basta’t hindi magtatagal ang nCoV, mananatiling matatag ang economic growth ng Pilipinas mula sa 6.5% hanggang 7.5% ngayong 2020.