Binalaan ng DTI o Department of Trade and Industry ang mga may-ari ng mga tindahan na huwag magsamantala ngayong Semana Santa.
Partikular na tinukoy ng DTI ang mga produktong walang price tags tulad ng bottled water na bantad sa overpricing ng mga negosyante.
Sa pag-iikot ng DTI kahapon, sinabi ni Usec. Ted Pascua na marami pa rin sa mga nagtitinda ng mga kahalintulad na produkto ang hindi pa rin sumusunod sa tamang presyuhan.
Banta pa ni Pascua, may kaakibat na multa ang sinumang mga tindero na mapatutunayang lumabag sa mga consumers act sa kabila ng hindi pagpapatupad ng Suggested Retail Price.
By: Jaymark Dagala