Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyanteng mahuhuling nagtataas ng presyo ng face mask.
Ito’y matapos mapaulat na may nagbebenta ng mga face mask sa halagang P200 kada piraso.
Ayon sa DTI, mahaharap sa kaukulang kaso ang mga negosyanteng mapapatunayang nananamantala sa presyo ng face mask lalo na sa N95.
Giit ng ahensya, maitututring anila itong profiteering o labis-labis na paniningil.
Kasabay nito, tiniyak ng DTI na nagpakalat na sila ng mga tauhan na magbabantay at susuri sa paggalaw ng presyo ng mga ibinebentang masks.