Agad umanong tutugisin ng mga otoridad ang mga negosyanteng nagpopondo sa CPP-NPA sakaling maisampa na sa Regional Trial Court of Manila ang petisyon ng gobyerno na tuluyang nagdedeklara sa New People’s Army bilang teroristang grupo.
Gayunman, nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na mayroong mga ligal na proseso bago tuluyang arestuhin at ikulong ang mga negosyanteng hinihinalang nagpopondo sa N.P.A.
Kahit anya aprubahan na ang hiling ng gobyerno na extension ng martial law sa Mindanao, hindi agad na maaaresto ang mga naturang negosyante dahil maari nitong i-invoke o sabihing pinagbabantaan ang kanilang buhay kaya’t napilitan silang magbigay sa mga rebelde.
Dagdag ni Roque, daraan pa ito sa masusing imbestigasyon at kung mapatutunayang pinopondohan ang NPA, hindi mangingimi ang pamahalaan na ipatupad ang buong kapangyarihan ng batas.