Mariing binalaan ng Malacañang ang mga negosyanteng nagsasamantala gamit ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law at patuloy na nagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, papatawan nila ng multa at maaari din nilang ipasara ang mga negosyo ng mga mahuhuling nananamantalang negosyante.
Giit pa ni Roque, dapat ding sumunod ang mga traders sa ipinatutupad na suggested retail price o SRP ng Department of Trade and Industry o DTI.
Gayunman, sinabi ng kalihim na mahirap talagang mapigilan na magkaroon ng ‘price increase’ sa ilang mga ‘commodities’ dulot na rin ng pagtaas sa presyo ng krudo sa world market.
—-