Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Trade and Industry na silipin ang mga ulat ng overpricing sa mga lalawigang hinagupit ng bagyong Odette.
Binigyan din ni Pangulong Duterte ng kapangyarihan ang DTI na magpatupad ng price caps sa basic goods, tulad ng mga gamot at construction material.
Ayon kay Pangulong Duterte, maaaring parusahan ang sinumang mapapatunayang nagpapataw ng mas mataas na presyo lalo sa mga lugar na nasa state of calamity.
Bilang tugon, tiniyak ni Trade Secretary Ramon Lopez nagkasa na sila ng aksyon tulad ng pagpapadala ng inquiry leter sa ilang establisyimentong nagpapataw ng mas mataas na presyo sa kanilang mga produkto. —sa panulat ni Drew Nacino