Sisilipin na ng Department of Labor and Employment ang mga negosyo ng mga Chinese investor sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.
Ito, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ay upang matiyak na sumusunod hindi lamang ang mga Tsino sa labor laws ng bansa.
Nilinaw ni Bello na bagaman mayroong trade relations ang Pilipinas sa ibang bansa kaya’t pinapayagan silang mag-invest pero ipinagbabawal ang pag-hire ng mga foreign worker kung kaya namang gawin ng mga Pilipino ang kanilang trabaho.
Nagdeploy na anya ang DOLE ng compliance officers sa Boracay kung saan maraming Chinese at iba pang Asian shops ang nagsulputan simula nang buksan muli ang isla noong Oktubre matapos ang kalahating taong rehabilitasyon.
Magugunitang ikinagulat ng mga residente sa Bora at business operator ang biglang pagdami ng mga Chinese establishment sa pangunahing tourist destinasyon ng bansa kung saan ilan sa mga ito ay walang English o Filipino signage.
Private sector, dapat ding mag-inspeksyon ng mga business establishment sa Boracay ayon kay DOLE Sec. Bebot Bello
Welcome ang private sector na makiisa sa pag-i-inspeksyon ng gobyerno sa mga business establishment sa Boracay, Aklan upang mapigilan ang pagdami ng mga foreign worker.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, kung mayroong mga kinatawan o volunteer ang mga nasa pribadong sektor ay handa naman silang i-accommodate ng DOLE.
Hinimok naman ni Bello ang publiko na isumbong ang mga dayuhang manggagawa na umaagaw ng mga trabahong kaya namang gawin ng mga Pilipino sa pamamagitan ng DOLE hotline na 1-3-4-9.
Una nang ikinagulat ng mga residente at business operator sa Bora ang biglang pagdami ng mga Chinese establishment kung saan ilan sa mga ito ay walang English o Filipino signage.