Tiniyak ni Senadora Cynthia Villar na wala siyang kikilingan sa mga irerekomenda niyang hakbang para maresolba ang problema sa isla ng Boracay.
Ito’y ayon sa Senadora na siyang Chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources ay kahit pa aminado siyang mayruon negosyo ang kanilang pamilya sa naturang isla.
Sa panayam ng DWIZ kay Villar, siniguro muna niya sa kanilang mga tauhan sa Boracay na sumusunod ang kanilang mga itinayong negosyo sa umiiral na mga panuntunan hinggil sa pangangalaga ng kalikasan.
We are operating in 136 town and cities in the Philippines, it’s unfair for them to say na ako po ay may influence na isang maliit na business sa Boracay, I have fought for environmental issues all my life, ako po ang lumaban at nag file ng petition for Writ of Kaligtasan to save the Las Pinas-Paranaque wetland park and I have spent many years of my life doing environmental projects I don’t think that a small business will affect my judgement”.
Samantala, naniniwala naman si Villar na sapat na ang mga nakokolektang environmental fee mula sa mga turista sa Boracay para magamit sa tuluyang paglilinis sa isla.
So dito po hindi nila nirequire ang environmental clearance from the DENR, so that is one question po, and another one po is that talagang under the national solid waste management law talaga pong responsible ang local government to take care of managing the waste according to the law, and according to the law, talagang magre recycling ka it is a provision of the law.”