Unti-unti nang nagbubukas ang mga negosyo at tinatanggal ang lockdown sa iba’t ibang panig ng mundo.
Matapos ang dalawang buwan ay nagbukas na ang New York Stock Exchange, ang itinuturing na symbolic heart ng Wall Street.
Nagsimula na ring tumanggap ng mga bisita ang ilang iconic sites tulad ng Church of the Nativity sa Bethlehem at Ruins of Ancient sa Pompeii, Italy.
Nakatakda nang tapusin ng Saudi Arabia ang kanilang nationwide curfew sa June 21 maliban sa Holy City of Mecca subalit papayagan na ang pagdarasal sa lahat ng mosque sa labas ng Mecca simula sa ika-31 ng Mayo.
Samantala, pinag-uusapan na rin ang pagbubukas ng borders at tourist regions sa European union.