Unti-unti nang binuksan ng Shanghai ang mga negosyo nito ngayong araw sa gitna ng pagharap sa COVID-19 surge.
Ito ang inanunsyo ni Chen Tong, bise alkalde ng Shanghai
Kahit nananatiling hindi malinaw kung kailan papayagang lumabas ng mga tahanan ang milyun-milyong tao na naka-lockdown pa rin sa Economic Capital ng China.
Nabatid na bumaba sa 1,369 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Shanghai kahapon.