Unti-unti nang binuksan ang mga negosyo sa Surigao City matapos na manalasa ang bagyong Odette.
Kabilang dito ang mga bangko, kainan, supermarket at iba pang mga negosyo na bukas sa limitadong operasyon.
Samantala, nanawagan ang lokal na pamahalaan ng nabanggit na lungsod ng tulong-pinansyal para sa mga libu-libong residente na nasira ang bahay at ari-arian.—sa panulat ni Airiam Sancho