Pinayagan na ng pamahalaang bayan ng Taytay sa Rizal ang pagbubukas ng mga negosyo tulad ng sari-sari store at talipapa sa kanilang bayan.
Ito’y ayon kay Taytay Mayor Joric Gacula ay sa kundisyong dapat masunod pa rin ang physical distancing upang maiwasang magkahawaan ng sakit dulot ng COVID-19 sa mga residente.
Kasunod nito, inatasan ng Alkalde ang kanilang lokal na pulisya na tutukan at bantayang maigi kung nasusunod ba ang tamang protocols sa lahat ng oras.
Nagbabala rin si Mayor Gacula sa mga may-ari ng tindahan at talipapa na lalabag sa quarantine protocols na agad ipasasara ang kanilang negosyo.
Batay sa pinakahuling datos ng nasabing bayan, 9 na ang nasawi habang 41 naman ang nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang lugar.
12 lamang aniya rito ang nakarekober o gumaling sa sakit dulot ng virus kaya’t dapat na mahigpit nilang ipatupad ang mga quarantine protocols.