Papatawan ng parusa ng marikina Local Government Unit (LGU) ang mga business establishment o mga nagnenegosyong lalabag sa ipinatutupad na IATF protocols.
Kasunod ito ng pagdagsa ng mga indibidwal o mga residente sa Marikina Riverbanks sa kabila ng pagbaba ng Alert level 2 sa Metro Manila.
Sa ilalim kasi ng Alert level 2, ang mga indoor areas ay pinapayagang magpapasok ng mga tao sa mahigit 50% ng kanilang kapasidad habang ang outdoor areas naman ay maaaring magkapag-operate ng hanggang 70% ng kapasidad.
Ayon sa Marikina City Government, ang mga mabibigong sumunod sa pinaiiral na mga panuntunan ng pamahalaan laban sa overcrowding upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19 ay pagmumultahin.
Dumipensan naman si Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na hindi lamang umano ang mga taga Marikina ang nagsipunta sa Riverbanks sa unang araw ng pagpapatupad ng Alert level 2 kundi maging ang mga kalapit bayan nito kabilang na ang Pasig City, Quezon City, Cainta, Antipolo at iba pang sakop ng Rizal.
Sa ngayon, planong magpatupad ng ordinansa ang marikina LGUs upang malimitahan ang mga pumapasok o nagpupunta sa nasabing lugar at maiwasan ang kumpulan ng mga tao.—sa panulat ni Angelica Doctolero