Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga negosyo o etablisyimentong lalabag sa environmental laws sa National Capital Region (NCR).
Sa isinagawang monitoring at saturation drive kamakailan ng Environmental Management Bureau (EMB), napag-alaman ng DENR na sa 4,043 establisimiyento, 1,857 ang nag-o-operate nang walang environmental compliance certificates habang 1,894 naman ang walang wastewater discharge permits.
Ayon kay environment undersecretary for Field Operations Juan Miguel Cuna, maglalabas ang DENR ng notice of violations laban sa mga establisimiyento na mapapatunayang lumabag sa ilalim ng Republic Act 9275 o ang Philippine Clean Water Act.
Ang sino mang lalabag ay ipatatawag ng EMB National Capital Region (NCR) para pag-usapan ang nilabag na batas.