Papayagan na rin ng PNP ang mga non-apor na maghatid sundo hindi lamang sa mga healthworker kundi sa lahat ng essential workers.
Binigyang diin ito ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar matapos silang humingi ng gabay mula sa National Task Force Against COVID-19 kasunod na rin nang pagsailalim sa ECQ ng Metro Manila simula bukas, Agosto 6 hanggang sa Agosto 20.
Ayon kay Eleazar,kailangan lamang mag prisinta ng Certificate of Employment (COE) ang mga non apor drivers ng kanilang susunduin o ihahatid na essential worker para makadaan sa Quarantine Control Points (QCP).
Dapat din aniyang nakalagay sa COE ang driver, modelo at plate number ng sasakyan at contact number ng employer gayundin ang kopya ng business permit nito.
Una nang inihayag ni Eleazar na ID lamang ng health worker ang kailangang ipakita ng mga non apor drivers kung mga health worker naman ang susunduin.