Inamin ng AFP na target na rin ng martial law declaration sa Mindanao ang NPA o New People’s Army matapos itong manawagan sa kanilang puwersa na atakihin ang tropa ng gobyerno.
Sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na kabilang sa mga pangunahing misyon ng militar ngayon panahon ng martial law ay pilayan ang kapasidad ng NPA.
Ang nasabing hakbang aniya ay sagot lamang nila sa naturang direktiba ng NPA at dapat lamang na maghanda rin ang kanilang puwersa sa pag atake ng mga rebeldeng komunista.
Gayunman nilinaw ni Padilla na bagamat target ng martial law hindi dapat pigilan ng NPA ang gobyerno sa pagsusulong ng Peace talks sa kanilang grupo.
By: Judith Larino
Mga NPA sa Mindanao target na rin ng Martial Law declaration – AFP was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882