Sisimulan nang linisin ng Commission on Elections (COMELEC) ang listahan ng mga kakandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at senador para sa nalalapit na 2016 elections.
Ito ay sa pamamagitan ng paghahain ng disqualification case ng Law Department ng COMELEC laban sa mga tinaguriang “nuisance candidates”.
Ayon kay Comelec Chairman Andy Bautista, kabuuang 130 ang naghain ng certificate of candidacy sa pagka-presidente; 19 sa pagka-bise presidente; at 172 sa pagka-senador.
Binigyang-diin ni Bautista na maaari silang maghain ng motu propio case para ideklara na ang naghain ng kandidatura ay isang nuisance candidate o mga panggulo sa 2016 elections.
By Meann Tanbio