Nanindigan ang Palasyo na tunay ang mga ginamit na figure ng Pangulong Noynoy Aquino, sa ginawa nitong State of the Nation Address (SONA).
Ito ay matapos sabihin ni Vice President Jejomar Binay, sa kanyang kontra-SONA, na peke ang mga datos, at talamak pa din ang kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa.
Ipinaliwanag ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na kinuha ng Pangulo ang kanyang datos sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, katulad ng Department of Labor and Employment at ng NEDA.
Iginiit ni Coloma na mabilis lang mag-akusa, subalit hindi naman mapatunayan ng Bise Presidente ang nilalaman ng kanyang True State of the Nation Address.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)