Nangunguna sa in demand jobs at trabaho na maraming bakante sa Pilipinas maging sa ibang bansa ang mga nurse.
Ayon kay Assistant Regional Director Alejandro Inza Cruz ng DOLE Region 3, bukod sa mga nurse, mataas din ang demand sa factory workers, household workers, karpintero, electrician, mason at cleaner.
Ani Cruz , ang mga nabanggit na trabaho ay kailangan sa mga bansa hindi lamang sa Asia kundi sa gitnang silangan o Middle East at maging sa Europa.
Sa ngayon aniya mayroong 27, 509 na Overseas job orders base na din sa pakikipag-ugnayan sa 73 licensed private recruitment agencies for overseas employment.
At kasunod ng pagdiriwang ng Independence sa darating na Linggo, nasa 122,985 job vacancies ang bubuksan sa publiko sa pamamagitan ng 23 job fair sites sa buong Pilipinas na maaaring makita sa ble.dole.gov.ph.