Hati ang mga obispo ng simbahang Katolika sa ginawang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, dismiyado siya sa pagpabor ng Kongreso sa martial law extension dahil posibleng lumala ang gulo sa Mindanao bunsod ng mga pag-abusong kaakibat nito.
Ikinalungkot naman ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña ang ginawang pagpapalawig sa batas militar sa Mindanao.
Para naman kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, nabigo ang pamahalaan na magawa ang tungkulin nito kaya’t kinailangan pang palawigin ang martial law.
Pabor naman si Marbel Koronadal Bishop Dinualdo Gutierrez sa desisyon ng Kongreso dahil aniya bumuti ang peace and order sa SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at General Santos City) simula nang ipatupad ang batas militar.
Nirerespeto naman ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang desisyon ng mga mambabatas at mga opisyal ng gobyerno na palawigin pa ang martial law sa buong Mindanao.
- Krista De Dios