Hinikayat ng Malacañang ang mga obispo ng Simbahang Katolika na maging bukas sa mga kritisismo at huwag maging balat sibuyas.
Ito’y sa harap na rin ng mga birada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alagad ng Simbahan gayundin ang pagkuwestyon sa doktrinang itinuturo ng Iglesia Katolika.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman maaaring ang mga taga-Simbahan lamang ang may karapatang pumuna sa Pangulo at sa mga polisiyang ipinatutupad nito.
Tinanggap aniya ng Pangulo ang maaanghang na salita mula sa mga obispo, madre at layko ng simbahan sa loob ng dalawang taong panunungkulan nito.
Labis na aniya ang pagkontra ng Simbahan sa Pangulo noon pa mang panahon ng kampaniya dahil mayroong pinapanigang ibang kandidato ang mga ito at hindi nila iyon matanggap.
—-