Inatasan ng mga obispo ang lahat ng mga simbahan sa bansa na patunugin ang kanilang mga kampana sa Halalan sa Lunes, Mayo 9.
Sa isang circular, binanggit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gagawin ang sabayang pagkalembang ng kampana sa pagbubukas ng mga ‘voting precincts’ bandang alas-sais ng umaga na tatagal ng sampung minuto.
Hinimok din ng CBCP ang publiko na ipagdasal ang Commission on Elections o Comelec at iba pang partner agencies para sa malinis, tapat, at mapayapang eleksiyon.
Una rito, nanawagan din ang simbahan ng “intense prayer” para sa halalan.