Hinikayat ni Pope Francis ang 74 na mga bagong obispo sa Africa na tumulong laban sa aniya’y kultura ng pang-aabuso sa simbahang katolika.
Sinabi ng santo papa makaraang pangunahan nito ang ordinasyon sa mga bagong obispo, umaasa siya na sisimulan ng mga ito ang pagwaksi sa lahat ng uri ng clericalism at pagtatama sa mga mali ng simbahan.
Pinaalalahanan din ni Pope Francis ang mga bagong obispo na huwag panghinaan ng loob sa paglaban sa iba’t ibang uri ng tukso at manindigan sa kung ano ang tama at kalugud-lugod sa kalooban ng Diyos.
Magugunitang inatasan kamakailan ng santo papa ang ilang opisyal ng simbahan para imbestigahan ang mga kaso ng pedopilya sa bansang Chile kung saan nasasangkot ang isang pari.