Humingi ng paumanhin ang mga obispo ng bansang Chile dahil sa kabiguan nilang mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng pang-aabusong seksuwal sa kanilang bansa.
Sa isang kalatas, inamin ng mga obispo na nabigo silang pakinggan at paniwalaan ang mga biktima dahil sa mga pagkakasalang nagawa ng kanilang mga pari at ilang laiko.
Magugunitang nasa 158 mga pari at laiko ang iniimbestigahan ngayon ng Chilian Prosecution Service na nasangkot sa iba’t ibang kaso ng pang-aabuso.
Batay sa datos mula noong dekada ‘60, aabot na sa 266 ang naitalang biktima kabilang na ang 178 mga bata gayundin iyong mga may edad na.