Sa kauna-unahang pagkakataon, sabay sabay na nag resign ang lahat ng 34 na obispo sa bansang Chile dahil sa child sex abuse scandal.
Ayon sa ulat ng BBC, ipinasa ng mga obispo ang resignation letters matapos makipag pulong kay Pope Francis sa Vatican.
Ipinakita umano doon ng Santo Papa sa mga obispo ang dokumentong nag aakusa sa liderato ng simbahan sa Chile ng pagpapabaya sa mga kaso ng sexual abuse doon.
Humingi ng kapatawaran ang mga obispo sa mga biktima ng pang aabuso at sa simbahan sa kanilang pagkakamali.
Hindi pa malinaw ngayon kung tinanggap na ng Santo Papa ang resignation letters ng mga obispo.