Hinimok ni Senadora Cynthia Villar ang Department of Labor and Employment (DOLE), trade and inustry at agriculture na hanapan ng alternatibong trabaho o pangkabuhayan ang mga OFW’s na apektado ng partial deployment ban sa Kuwait.
Ayon kay Villar, sa ganitong paraan aniya hindi na kakailanganin pa ng mga manggagawang Filipino ang magtrabaho sa ibang lugar tulad ng Middle East.
Sinabi ni Villar, maaari isailalim sa training para sa basic construction work ang mga kalalakihan o maging ang mga babae lalo na’t may malaking kakulangan ng mga manggagawa ang sektor ng konstruksiyon sa bansa.
Una na ring nagpaabot ng pakikiramay si Villar sa naiwang pamilya ng nasawing Pinay household worker na si Jeanelyn Villavende sa kamay ng kanyang malupit na employer.
Kasabay ng pagkondenang sa pangyayari, hinikayat din ng Senador ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tiyaking kukunin ang serbisyo ng pinakamagaling na legal team para mabigyan ng hustisya si Villavende at pamilya nito.