Makatatanggap ng cash asssitance ang mga OFW o Overseas Filipino Workers na bigong makaalis ng bansa dahil sa Bagyong Ompong.
Matatandaang higit 100 mga byahe ng eroplano ang nakansela dahil sa pananalasa ng bagyo.
Ayon sa DFA, 5,000 financial assistance ang makukuha ng mga OFW basta ipakita lamang nila ang mga sumusunod: airline ticket na nagpapakita ng orihinal na petsa ng departure; reissued ticket para sa bagong petsa ng alis; employment contract at overseas filipino employment certificate.
Maaring magtungo ang mga apektadong OFW sa DFA Assistance Desk sa Ninoy Aquino International Airport at Clark International Airport.
Kahapon, 43 mga OFW na ang inisyal na nakakuha ng tulong mula sa DFA.