Nasa 35K Overseas Filipino Workers sa Taiwan ang eligible na maging permanenteng residente nito.
Ipinasa kamaikailan ng gobyerno ng taiwan ang isang panukalang nagpapahintulot sa mga migrant workers na maging permanent resident dahil sa kakulangan ng mga skilled workers.
Ayon Kay Philippine Labor Attache sa taiwan na si Cesar Chavez, ang gobyerno nito ay hindi pa naglalabas ng mga detalyadong alituntunin sa bagong batas na nakatakdang ipatupad sa Abril.
Ngunit base sa initial guidelines, ang isang migrant worker na nagtrabaho ng anim na taon sa Taiwan ay maaaring mag-apply upang mai-reclassify bilang isang intermediate skilled worker.
Sakaling mai-reclassify ang isang manggagawa ay dapat itong magsilbi ng limang taon pa para makapag-apply ng permanent residency na nangangahulugan ang buong proseso ay aabot ng hanggang 11 taon.
Samantala, ang nasa 35K OFWs na mahigit anim na taon na sa taiwan ay mula sa 142K Pilipino na nagtatrabaho sa nasabing lugar. -sa panulat ni Airiam Sancho