Posibleng ihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa Gitnang Silangan ang kaligtasan ng mga Pilipinong nasa death row.
Gayunpaman, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Middle East and African Affairs Jayceelyn Quintana, ayaw niyang pangunahan ang anumang magiging aksiyon at desisyon ni Pangulong Duterte.
May mga kasong murder ang karamihan sa mga nahatulan ng bitay at patuloy na mino-monitor ng gobyerno ang kanilang kaso.
Sinabi ni Quintana na nabigyan na rin ng sapat na impormasyon si Pangulong Duterte hinggil sa status ng mga Pilipinong may mga kaso sa Gitnang Silangan at bahala na aniya siya kung ihihingi ng kapatawaran ang mga nasabing OFW.
Batay sa datos ng DFA , mayroong 31 OFW ang nahatulan ng parusang kamatayan sa Saudi Arabia at isa sa Bahrain.
By Avee Devierte / Aileen Taliping (Patrol 23)