Pinag-iingat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Overseas Filipino Workers laban sa 2019 novel coronavirus.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dapat na umiwas ang mga OFW sa mga mataong lugar, gumamit ng facemask, palagiang paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol at iwasan ang paglapit sa mga farm at wild animals.
Pinayuhan din ang mga ito na agad na iulat sa embahada o sa pinakamalapit na ospital sakaling mayroong kapwa Pilipino na makikitang may sintomas ng nCoV
Siniguro naman ni Bello na nakatutok ang ahensiya sa anomang development sa naturang sakit.