Nangangamba si Eastern Samar Representative Ben Evardone sa posibilidad na hindi ang mga Overseas Filipino Workers o OFW ang tunay na makinabang sa itatatag na OFW Bank.
Ayon kay Evardone, Chairman ng Committee on Banks and Financial Intermediaries sa Kamara na baka mga negosyante ang makakuha ng malaking pautang sa OFW Bank at hindi ang mga lehitimong OFWs katulad na lamang ng nangyayari sa ibang government development bank.
Umaasa din si Evardone na mabibigyan ng mababang remittance fee at madaling access ng pautang na may mababang interes ang mga OFW sa bangkong ilalaan para sa kanila.
Nilinaw naman ni Evardone na suportado niya ang executive order na nilagdaan ni Pangulong Duterte sa pagtatatag ng OFW Bank.
—-