Positibo ang reaksyon ng mga OFW sa SONA o State Of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte
Partikular dito ang hinggil sa planong gawing 10 mula sa 5 taong validity ng passport
Sinabi ni Josel Palma, Pangulo ng Philippine Federation of Panay Island sa Japan na malaking tulong sa mga OFW ang pagpapalawig ng passport validity dahil mababawasan ang kanilang gastos lalo nat mahal magpa renew ng passport at matagal ang pag proseso rito
Ikinagalak din ng Pinoy workers ang planong pagdadagdag ng Consular Offices at pagtatatag ng Overseas Filipino Department na tututok sa kanilang mga pangangailangan at problema
Sa Florida, USA nagkakaisa ang Pinoy Community sa pagsasabing naibalik ang kanilang tiwala sa gobyerno matapos marinig ang SONA ni Duterte
By: Judith Larino