Nag-rally ang mga Overseas Filipino Workers na nakabase sa Hong Kong laban sa APEC Summit na ginaganap sa Pilipinas.
Dalawampung (20) OFW’s ang nagtipon sa harap ng konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong upang tuligsain ang APEC Summit na anila’y tigatulak ng pandaigdigang imperyalismo.
Ayon kay Dolores Balladares-Pelaez, Chairperson ng United Filipinos in Hong Kong, ang APEC ay isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na inaabuso at ginagawang alipin ang mga OFW’s sa ibayong dagat.
Samantala, binatikos naman ng Migrante Sectoral Party ang paggastos ng P10 bilyong piso ng pamahalaan para sa APEC Summit.
Napakalaking diskriminasyon anila ito sa P10 milyong piso lamang na inilaan para sa overseas voting registration ng may 10 milyong overseas Filipino voters.
By Len Aguirre