Binalaan ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz ang mga Overseas Filipino Worker sa Hong Kong at Macau, laban sa umanoy loan program ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.
Sinabi ni Baldoz na maliban sa walang programang pautang ang OWWA, hindi din ito nanghihingi ng 1,000 Hong Kong Dollars o ano mang halaga mula sa mga OFW.
Kaugnay nito, pinayuhan din ng OWWA ang mga OFW na ireport ang mga kahina-hinalang tao o grupo sa kanilang hotline na 09178986992 o kaya ay magpadala ng e-mail sa owwa_opcenter247@yahoo.com.
By: Katrina Valle | Allan Francisco