Maraming mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang nanganganib na mawalan ng trabaho sa gitna ng patuloy na kaguluhan na nararanasan sa Hong Kong.
Ayon kay United Filipinos Secretary General Emmanuel Villanueva, mayroon na silang natanggap na ulat na may tatlo hanggang apat na kumpanya na pag-aari ng mga European ang nagbabalak nang umalis sa naturang bansa.
Apektado dito ang mga Filipino household workers sakaling mawalan ng trabaho ang kanilang mga employer.
Nagtatrabaho sa Hong Kong ang mahigit 200 mga Pilipino kung saan karamihan ay mga domestic workers.