Zero vote pa rin ang ilan sa mga embahada at konsulado ng bansa sa ilang bansa sa unang 6 na araw nang pagpapatupad ng OAV o overseas absentee voting.
Kabilang sa mga lugar kung saan hindi pa nakakaboto ang mga OFW ayon kay COMELEC Commissioner Arthur Lim, Chairman ng OAV ay sa London, Seoul sa South Korea, Moscow sa Russia, Mexico at Hanoi sa Vietnam.
Gayunman, binigyang diin ni Lim na tiwala pa rin silang maaabot ang target na 50 porsyento o higit pang botante sa ilalim ng OAV hanggang May 9 o mismong araw ng eleksyon.
By Judith Larino | Allan Francisco