Ikinahihiya ng grupo ng mga Overseas Filipino workers o OFW sa bansang israel ang lumalalang kaso ng tanim-laglag bala sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon sa Federation of Filipino Community sa Israel, labis nilang ikinadidismaya ang mga pangyayari ngayon sa NAIA lalo’t dito dumaraan ang lahat ng mga turista sa bansa.
Nangangamba rin ang grupo na mangyari rin sa kanila ang mga kahalintulad na insidente partikular sa kaso ni Ginang Gloria Ortinez.
Kasunod nito, nanawagan ang grupo sa pamahalaan na gawin ang lahat ng hakbang upang papanagutin sa batas ang mga nasa likod ng nasabing modus operandi.
By: Jaymark Dagala I Allan Francisco