Kinuwesyon din ni Villanueva ang tila kawalan ng sapat na kaalaman ng mga OFW’s hinggil sa pag-iral ng sistemang Kafala sa mga Gulf States.
Nakapaloob sa nasabing sistema na hindi maaaring makalabas ng bansang pinagtatrabahuan ang mga OFW na walang kaukulang permiso mula sa kanilang mga employer at itinuturing iyong isang krimen.
Pero depensa ni Labor Secetary Silvestre Bello III, sumasailalim sa PDOS o Pre-Departure Orientation Seminar ang mga OFW’s para malaman ang sitwasyon sa pupuntahan nilang bansa.
Subalit dahil na rin sa tumataas na kaso ng mga pang-aabuso, kaya’t nagpasya ang sina Labor Secretary Silvestre Bello III na magpatupad ng suspensyon sa pagpapalabas ng OEC o Overseas Employment Certificate.
Pero maliban sa pang-aabuso, isiniwalat din ni Senadora Cynthia Villar na may ilan din aniyang mga OFW’s sa Kuwait ang hindi tumatanggap ng magandang suweldo mula sa kanilang mga employer.
Posted by: Robert Eugenio