Dumagsa sa Philippine Embassy sa Kuwait ang mga OFW para mag avail ng amnesty para sa mga overstaying at undocumented foreign workers.
Sa pamamagitan ng isang buwang amnesty makakabalik ng Pilipinas ng walang penalty ang mga overstaying at undocumented Pinoy workers duon.
Nabatid na karamihan sa mga sumugod sa Philippine Embassy ay nag ayos ng kanilang mga papeles para manatili at legal na makapag trabaho sa Kuwait.
Dahil dito umaapela naman si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa, Jr. sa Kuwaiti Government na palawigin pa hanggang tatlong buwan ang amnesty program.
Ang naturang amnesty ay inanunsyo ng Kuwait nuong January 23 ilang araw matapos suspindihin ng gobyerno ng Pilipinas ang deployment ng mga bagong OFWS patungong Kuwait dahil sa mga kaso nang pang aabuso.