Nagbabala ang embahada ng Pilipinas sa mga OFW o Overseas Filipino Workers sa Tripoli, Libya na mag ingat kasunod ng idineklarang state of emergency dahil sa patuloy na labanan doon.
Pinayuhan ng embahada ang mga pinoy na manatiling kalmado at iwasan na munang lumabas.
Makabubuting mag – imbak ng makakain at inumin na tatagal ng ilang araw at palagiang mag – monitor sa mga kaganapan.
Siniguro ng embahada na handa silang magbigay ayuda sa pinoy na maaring maipit na sitwasyon.