Patuloy ang ginagawang monitoring ng embahada ng Pilipinas sa Libya dahil pa rin sa nagpapatuloy na gulo sa bansa.
Ayon kay Embassy Charge D’ Affaires Elmer Cato, hinikayat nila ang mga Pilipino sa Libya partikular na ang nasa malapit sa frontline, na lumikas sa mas ligtas na lugar.
Aniya, mas maganda kung mananatiling maging maingat ang mga Pinoy.
Bukod dito, pinayuhan din ni Cato ang mga magulang na mayroong menor de edad na anak na pauwiin muna ang mga ito sa Pilipinas.
Magugunitang nasa 142 Overseas Filipino Workers na ang pinauwi ng embahada mula noong Abril.