Binalaan ng Embahada ng Pilipinas sa bansang Jordan ang mga OFW duon hinggil sa pag-popost sa social media ng mga larawan ng kanilang mga alagang bata, o amo, na walang pahintulot ng mga ito.
Ayon sa Embahada, hindi dapat basta-basta naglalabas ang mga OFW ng mga larawan ng kanilang employer dahil may batas ang Jordan, maging ang buong Middle East ukol dito.
Dapat anilang isipin ng mga OFW ang kaibahan ng kultura, kaugalian, at relihiyon ng mga tao sa Middle East.
Posible umanong maharap sa karampatang parusa ang mga OFW na mapatutunayang nagpost ng larawan ng kanilang mga alaga.