Nananatiling optimistic ang CBCP o Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaapektuhan ng problema sa Qatar ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nagta-trabaho doon.
Ito ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (ECMI) ay bagamat nag-aalala sila sa sitwasyon ng mga OFW sa qatar.
Pinayuhan ni Santos ang mga OFW sa Qatar na manatiling kalmado at vigilant sa mga kaganapan sa nasabing bansa.
Higit sa lahat, sinabihan ni Santos ang mga OFW na patuloy na magdasal para hindi madamay sa anumang kaguluhan sa Qatar.
By Judith Estrada – Larino