Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang i-uuwi sa Pilipinas ang may limang libong (5,000) OFW o Overseas Filipino Workers na matagal nang na-istranded sa Saudi Arabia
Bago tumulak patungong Saudi arabia, sinabi ng Pangulo na kaniya ring idudulog kay King Salman Bin Abdulaziz Al Saud ang mga OFW na nakahanay sa death row na mabigyan ng pardon o kaya’y mapagaan ang sentensya
Magugunitang nagbigay ng amnestiya ang hari ng Saudi kaya’t may sapat na panahon ang pamahalaan para ayusin ang kanilang dokumento sa loob ng tatlong buwan
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
By: Jaymark Dagala / with report from Aileen Taliping