Sabik na ang mga OFW o Overseas Filipino Worker sa Saudi Arabia para makaharap at makapulong ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Partikular na iaapela ng mga OFW sa Pangulo ang hindi nabayarang sahod ng ilang OFWs.
Ayon kay Florante Catanus, Vice President ng All Filipino Community and Sports Commission, naghanda na sila ng plano para ipresinta sa Pangulo at mabigyan ng katarungan ang mga OFW na hindi nakuha ang kanilang pinaghirapan bago pa man bumalik ng Pilipinas.
Mahigit limang libong (5,000) OFWs aniya ang pinauwi na subalit hindi nakuha ang kanilang back wages.
Distressed workers
Samantala, tiwala ang Blas F. Ople Policy Center na kayang mapauwi ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga distressed workers sa Saudi Arabia.
Sinabi sa DWIZ ni Toots Ople, pinuno ng nasabing policy center na maganda ang timing nang pagtungo sa Saudi Arabia ng Pangulo dahil sa ikinakasang amnesty program ng hari ng Saudi para sa mga dayuhang iligal na nagtatrabaho sa kanilang bansa.
Kabilang dito aniya ang isang Fatima Alagasi na halos apat na taon nang nasa pangangalaga ng embahada ng bansa.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Toots Ople ng Blas F. Ople Policy Center
By Judith Larino | Karambola (Interview)