Nag-rally sa Taiwan ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs upang igiit ang pantay na karapatan sa kanilang mga manggagawang dayuhan.
Nanawagan sa Taiwanese Ministry of Labor ang Migrante International sa Taiwan na isama sa nasasakupan ng Labor Standard Act ang mga OFWs.
Ayon kay Gilda Banugan, Chairperson ng Migrante International sa Taiwan, maraming OFWs ang namamatay sa mga trahedya subalit hindi nakakatanggap ng benepisyo mula sa labor insurance dahil hindi sila nasasakupan ng Labor Standard Act.
Una rito, nagsanib ang Migrante at isang non-government organization upang ipanawagan sa pamahalaan ng Taiwan na panagutin ang HTC Manufacturing Corporation sa di umano’y pagmamaltrato sa kanilang mga manggagawang Pilipino.
—-