Nangangamba ang Pinoy workers sa Taiwan na hindi makapagbakasyon sa Pilipinas matapos makansela ang kanilang biyahe dahil sa travel ban.
Maging ang mga balik manggagawa sa Taiwan ayon sa Migrante Taiwan ay nangangamba rin na mawalan ng trabaho dahil sa umiiral na ban.
Gayunman ipinabatid ng Migrante Taiwan na nag-uusap na ang Taiwan government at Philippine government sa pamamagitan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) para sa mga kaukulang hakbangin na gagawin sa mga apektadong OFW.
Nanawagan anito ang Taiwan sa Pilipinas na bawiin na ang travel ban dahil hindi naman malala ang problema ng COVID-19 sa nasabing bansa.