Tinatayang aabot sa limang daan (500) na mga OFWs o Overseas Filipino Workers ang nakararanas umano ng harassment mula sa kanilang mga employer sa ibayong dagat.
Ito’y makaraang ihayag ni Vice President Leni Robredo sa kaniyang video message sa United Nations Convention on Narcotic Drugs ang kaniyang pagtuligsa sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Interior and Local Government Assistant Secretary Epimaco Densing III, karamihan aniya sa mga nasabing OFW ay mula sa Italy, Canada at United Kingdom kung saan itinatakwil sila dahil sa nasabing video message.
Ito ang dahilan ayon kay Densing kaya’t nagpahayag ng suporta ang mga nasabing OFW sa nilulutong impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo dahil sa anila’y lantarang panghihiya nito sa Pilipinas sa mata ng international community.
By Jaymark Dagala